Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na nakapagtala ito ng P79.37 bilyong kita noong 2023.
Ito ay mas mataas ng 34.63 porsiyento mula sa nakaraang taon na P58.96 billion.
Ang revenues na ito ay dahil sa matatag na kita ng mag licensed casino at tumataas na sektor ng Electronic Games.
Ang gaming operations ay nananatiling pangunahing pinagmumulan ng kita ng PAGCOR na may P73.11 bilyon.
Kumita naman ang PAGCOR ng P6.26 bilyon. mula sa mga services at kita ng negosyo.
Ang net income ay nasa P6.81 bilyon, ito ay isang 53.27 porsiyentong pagtaas mula sa P4.44 bilyong kita ng ahensya noong 2022.
Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, mas mataas na kita ay nagbigay-daan sa state gaming firm na mapataas ang kontribusyon nito sa nation-building sa P49.56 bilyon na 43 porsiyentong mas mataas kaysa sa P34.67 bilyong CNB noong nakaraang taon.
Sinabi pa ni Tengco na ang lion’s share ng CNB ng PAGCOR na nagkakahalaga ng P34.72 bilyon ay nai-remit na sa National Treasury.
Kalahati ng halaga o P17.36 bilyon ay mapupunta sa Philhealth para magbigay ng libreng health care coverage sa milyun-milyong mahihirap na Pilipino.
Nag-remit din ang PAGCOR ng P3.65 bilyon sa Bureau of Internal Revenue bilang 5 porsiyentong franchise tax at isa pang P285.20 milyon para sa corporate income tax ng ahensya.