Posibleng manatili muna si Senador Rodante Marcoleta sa Philippine National Police (PNP) General Hospital ng isa hanggang dalawang araw para masuri, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Matapos ngang maaresto kasunod ng kaniyang kusang pagsuko, isinasailalim ang senador sa medical examinations bilang bahagi ng kaukulang proseso.
Sa oras na makumpleto ang pagsusuri sa kalusugan ng senador saka siya ililipat sa Quezon City Jail sa Payatas.
Matatandaang nitong Lunes nang pormal nang isyuhan si Marcoleta at tatlong iba pa ng warrant of arrest matapos ibasura ng Sandiganbayan ang motion to quash para sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang mahigit P75 milyong campaign donations sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng senador.
















