Sumuko na si Senador Rodante Marcoleta matapos tuluyang isyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay ng P75 million plunder case na inihain laban sa kaniya.
Kasalukuyang nasa Camp Crame na ang senador para sumailalim sa booking procedure.
Sa isang panayam sa senador bago lisanin ang Sandiganbayan, sinabi ni Marcoleta na inasahan na niya ang pag-isyu sa kaniya ng warrant at nanindigang nakahanda siyang harapin ito.
Bago ito, nagtungo si Marcoleta sa Sandiganbayan nitong umaga ng Lunes para dumalo sa pagdinig sa kaniyang plunder case kaugnay ng umano’y hindi idineklarang campaign donations na natanggap ng senador noong 2025 senatorial elections.
Naghain si Marcoleta ng ilang mosyon kabilang ang hirit na ibasura ang kasong plunder subalit nakakita ng probable cause ang anti-graft court, na nagresulta sa pag-iisyu ng arrest warrant laban sa kaniya at tatlong iba pa.















