-- Advertisements --
BSP

Iniulat ng Banko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng kita ng mga banko sa Pilipinas.

Sa loob ng unang siyam ng buwan o mula noong Enero hanggang Setyembre 2023, nakapagtala na ang mga banko sa bansa ng double-digit increase sa mga kita nito o katumbas ng 10.4%.

Ito ay katumbas ng P270.35 billion na kita. Habang sa nakalipas na taon ay umabot lamang sa P244.87 billion ang kinita ng mga banko sa bansa sa unang siyam na buwan.

Ang operating income ng banking industry ay umabot sa P828.64 billion o katumbas ng 8.9% na paglago mula sa dating P760.88 billion.

Ang interest earnings ng banking industry ay umangat ng 43.9% mula sa dating 645.95 billion patungong P929.36 billion.

Gayonpaman, bumaba naman ang non-interest income ng mga banko sa bansa, mula sa datingP210.21 billion noong nakalipas na taon papuntang P165.41 billion ngayong taon.