-- Advertisements --
Inalala ni King Charles ang namayapang inang si Queen Elizabeth II sa mensahe nito ngayong kapaskuhan.
Sa video na inilabas ng Britains monarch king sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle, pinasalamatan ni King Charles ang publiko dahil sa pagbibigay ng pagmamahal at simpatiya noong namayapa ang ina sa buwan ng Setyembre.
Naging emosyonal aniy ito ng mabasa ang mga sulat at cards na ipinadala ng publiko na nagbibigay pagkilala kay Queen Elizabeth II.
Tinalakay din nito sa kaniyang talumpati ang nagaganap na giyera sa Russia at Ukraine kung saan maraming mga tao na ang nagdurusa.