-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni King Charles III ilang araw matapos na ma-diagnose ito na may cancer.

Sinabi ng kaniyang maybahay na si Queen Camilla, na parang walang ito ng anumang sakit na dinadala.

Natutuwa pa at pinapasalamatan nito ang mga nagpaparating ng kanilang mensahe ng agaran niyang paggaling.

Dumalo si Queen Camilla sa charity concert sa Salisbury Cathedral na ginanap sa southern England.

Magugunitang nadiskubre na mayroong cancer si King Charles ng ito ay magpa-checkup sa kaniyang lumalaking prostate.