-- Advertisements --

Magtutungo sa pagamutan si King Charles III sa susunod na linggo.

Ayon sa Buckingham Palace, na sasailalim ito sa “corrective procedure” ng kaniyang lumalaking prostate.

Dagdag pa nila na benign ang kaniyang kondisyon at walang dapat na ikabahala.

Dahil dito ay kinansela ng 75-anyos ang mga lakad nito sa publiko ng ilang araw.

Ang Benign prostate enlargement na hindi naman cancerous ay normal sa mga kalalakihan na may edad 50 pataas at hindi naman ito gaanong seryos.

Ang anunsiyo ay kasunod ng pagsasailalim sa abdominal operation ni Catherine ang Princess of Wales.