-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest si King Charles III na bumisita sa Pilipinas.

Ito ang kinumpirma ni Pilippine Ambassador to United Kingdom Teddy Locsin Jr.

Nakaharap kasi nito si King Charles ng isinumite ni Locsin ang kaniyang credentials bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of the Republic of the Philippines.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye sa si Locsin sa nasabing plano ng British monarch.

Magugunitang personal na nakaharap rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si King Charles ng personal na dumalo sa coronation nito.