Opisyal na pinangunahan ni North Korean Leader Kim Jong Un ang pagbubukas ng Wonsan Kalma coastal tourist area, isang malaking resort na kayang mag-accommodate ng 20,000 na turista.
Ayon sa ulat ng KCNA, ipinahayag ni Kim kasiyahan sa proyekto at sinabi niyang magpapatuloy ang mabilis na pag-develop at iba pang malalaking tourist zones sa kanilang bansa.
Nabatid na ang Wonsan, ay isang dating destinasyon ng mga lokal, ay pinapalawak upang maging isang milyong dolyar na tourist hotspot. Bagamat ang turismo ay isang mahalagang pinagkukunan ng kita para sa North Korea, hindi pa ito nakakakuha ng malaking foreign partner dahil sa mga parusa mula sa United Nations.
destinasyon ng mga lokal, ngunit ngayo’y pinalawak upang maging isang milyong dolyar na tourist hotspot.
Magbubukas ang tourist area para sa mga locals simula Hulyo 1, ngunit walang binanggit ang KCNA tungkol sa mga banyagang turista.
Samanatala pinaluwag narin ng bansa ang mga restriksyon sa pagpasok ng mga turista mula noong 2023, at ang mga grupo mula Russia ay pinayagan nang pumasok sa bansa.
Maaalalang ang Russia at North Korea ay lalong pinaigting ang samahan sa isa’t isa, na magbibigay naman ng pag-bisita ng ambasador ng Russia sa Pyongyang bilang espesyal na panauhin sa seremonya.