-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe patungong North Korea si Chinese President Xi Jinping.

Ang nasabing pagbisita ay matapos na bumisita sa China sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Sa kakaibang pagkakataon ay makakasalamuha ni Xi si North Korean President Kim Jong Un.

Ang dalawang araw na pagbisita ni Xi Jinping ay magsisimula sa araw ng Lunes.

Ito rin ang unang pagbisita ng Chinese President sa North Korea mula pa noong 2019 at ang unang pagbiyahe ni Xi sa ibang bansa ngayong taon.