-- Advertisements --
Ibinunyag ng Ukraine na pinalakas ng North Korea ang kanilang military support sa Russia.
Ayon kay Major General Vadym Skibitskiy, Deputy Head ng Ukrainian Defense Intelligence, na kasama sa military support ang mga drone units.
Ang nasabing hakbang aniya ay ikinabahala ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kung saan inaasahan nila ang matinding pag-atake ng Russia sa Ukraine.
Una ng sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na mayroong mga sundalo ng North Korea ang pumanig sa Russia para makipaglaban sa Ukraine.
Noon pang Oktubre ng nakaraang taon ay gumagamit na rin umano ang Russia ng mga drone na gawa sa North Korea.
















