-- Advertisements --

Nagpadala ng isang liham si US President Donald Trump kay North Korean Leader Kin Jong Un.

Ayon sa Korean Central News Agency, sinabi ni Kim na maganda ang nilalaman ng liham na ipinadala sa kanya ni Trump.

Ang liham mula kay Trump ay dumating ilang araw pagkatapos ng summit nina Kim at Chinese President Xi Jinping, na ayon sa mga eksperto ay nagpapakita na ang China ay major player sa diplomatic push para maresolba ang nuclear standoff sa North Korea.

Sinabi ng North Korean state media na pinag-usapan nina Kim at Xi ang political situation sa palibot ng Korean Peninsula at humantong sa hindi na tinukoy pang consensus sa ilang mahahalagang usapin.

Inaasahan na makikipagkita si Xi kay Trump sa susunod na linggo sa Japan, at ayon sa mga analyst posibleng dito na rin ipaabot ni Xi ang mensahe naman ni Kim ukol sa nuclear negotiations.