-- Advertisements --

Patuloy na naka-alerto ang mga kapulisan sa Paris matapos ang pagsiklab ng kilos protesta.

Nagbunsod ang kilos protesta ng mapatay ng kapulisan ang 17-anyos na driver sa Nanterre na si Nahel M.

Tinawag ni French President Emmanuel Macron ang pangyayari bilang “unforgivable”.

Ang naging pahayag naman na ito ni Macron ay ikinagalit ng police unions dahil sa hinatulan agad sila.

Ayon sa Alliance Police union na maituturing na inosente lamang ang kapulisan hanggang mapatunayan sa korte na sila ay guilty.

Magugunitang sa kumalat na vidoe ay makikitang tinutukan ng baril ang driver ng kotse bago nakarinig ng putok ng baril at naibangga ng driver ang sasakyan nito sa pader.

Sa pagsiklab ng kilos protesta ay mayroong 31 katao na rin ang kanilang naaresto dahil sa pagwawala habang nag poprotesta.

Dahil sa pangyayari ay inanunsiyo ng gobyerno ang pagpapalakas ng kanilang presensya sa mga kalsada ng Paris.