-- Advertisements --

Patuloy ang kilos protesta na nananawagan ng pagbaba sa puwesto ng mga lider ng Iran.

Ito ay matapos ang pag-amin ng Iran na tinamaan nila ng missile ang Ukrainian passenger plane na ikinasawi ng 176 katao.

Nagtungo sa malaking bahagi ng Tehran ang mga protesters para ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ng mga matataas na opisyal ng bansa.

Agad naman ipinakalat ang mga riot police.

Ang nasabing kilos protesta ay naganap dalawang araw matapos na aminin ng Iran na aksidente nilang natamaan ang eroplano.

Magugunitang umabot pa ng ilang araw bago pa aminin ng Iran na aksidente nilang natamaan ang pampasaherong eroplano ng Ukraine.