-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na rescue dog sa Mexico na si Frida.

Ang labrador retriever na aso ay nakilala sa buong mundo dahil sa kasama ito sa naghanap ng mga survivor sa paaralan sa Mexico City matapos pagtama ng magnitude 7.1 na lindol noong 2017 na ikinasawi ng 370 katao.

Bilang miyembro ng canine unit ng Mexican marines ay sumama rin si Frida sa emergency response effort sa ibang bansa kabilang ang lindol sa Haiti at Ecuador.

Isinilang noong Abril 12, 2009 ay natapos nito ang kaniyang search and rescue training sa loob ng walong buwan na kadalasan ay dapat 12 buwan.

Sa loob ng kaniyang paninilbihan ay nakapagligtas ito ng 12 buhay bago ang pagreretiro noong 2019.