-- Advertisements --
Napatay sa pamamagitan missile attack ng Russia ang pinakamaymang negosyante sa Ukraine.
Kasamang nasawi ng 74-anyos na Oleksiy Vadatursky ang asawa nitong si Raisa na tinamaan ang kanilang bahay sa Mykolaiv City.
Pag-aari ni Vadatursky ang kumpanyang Nibulon na nasa likod grain exports.
Itinuturin ni Mykolaiv mayor Oleksandr Senkevych na ito na ang pinakamatinding Russian bombardment sa lungsod.
Sa nangyaring pagsabog ay maraming kabahayan, establishimento at paaralan ang nadamay.
Itinuturing na mayroong malaking kontribusyon sa ekonomiya ng Ukraine ang negosyo ni Vadatursky.