-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang isang British YouTuber malapit sa space center ng Russia na nakabase sa Kazakhstan.

Ayon kay Dmitry Rogozin, ang namumuno ng Russian space agency na Roscosmos, inaresto nila si Benjamin Rich o kilala sa kaniyang travel channel na Bald and Bankrupt.

Iniimbestigahan ito dahil umano sa may ginawa itong paglabag.

Kasama nitong naaresto ang isang babaeng mula sa Belarus na si Alina Tseliupa.

Ikinulong ang dalawa sa department of internal affairs sa Baikonour sa Nur-Sultan ang capital ng Kazakhstan.

Si Rich ay mayroong mahigit 3.5 milyon na subscriber sa kaniyang channel.

Pinakahuling video nito sa kaniyang channel ay kinunan sa Syria noong Abril 24.