-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang international best-selling author Wilbur Smith sa edada 88.

Kinumpirma ito ng kaniyang asawa subalit hindi na binanggit ang dahilan ng kamatayan nito.

Umabot sa 49 na mga libro ang nalimbag ni Smith na nakabenta ng mahigit na 140 milyon kopya sa buong mundo.

Unang sumikat ito sa kaniyang nobela na ginawang “When The Lion Feeds” noong 1964.

Isinilang siya sa Zambia noong Enero 1933 na nagsimula sa paggawa ng ilang mga kuwento mula sa kasaysayan ng Africa.