-- Advertisements --

Ikinalungkot ng mga iba’t-ibang banda sa bansa ang pagsasara ng sikat na bar na Route 196.

Nitong Linggo ng gabi ng ianunsyo ng management ng bar na matatagpuan sa Katipunan ave. sa Quezon City ang kanilang tuluyang pagsasara dahil sa coronavirus pandemic.

Ang nasabing bar kasi ay paboritong pagtutugan ng mga sikat na banda at singer sa bansa mula pa noong 2006.

Bilang bahagi ng pamamaalam ay inanusiyo ng management ang pagbenta nila ng Route 196 farewell T-Shirt na disenyo ng kilalang artist na si Rob Cham na ang kita ay mapupunta sa kanilang empleyado.

Sa kanila-kanilang social media, ay nagpost naman ng kanilang larawan habang tumutugtog sa nasabing bar na kinabibilangang ng Itchyworms, The Rouge, Ebe Dancel at maraming iba pa.

Magugunitang maraming mga resto bar ang napilitang magsara dahil sa hindi na nila makayanan pa ang hirap na nararanasan na dulot ng pandemic.