-- Advertisements --

Itinuturing na isang makasaysayan ang paghihiwalay ng Hollywood actor na si Kevin Costner sa asawang si Christine Baumgartner.

Ito ay matapos na nagkasundo ang dalawa sa ilang mga hindi pagkakaunawaan.

Pinanigan kasi ni Judge Thomas Anderle ang actor na humirit lamang ng $63,000 na monthly obligation at ibinasura ang hiling ng asawa na dapat ay magbayad ang actor ng $248-K kada buwan.

Sa dalawang araw na pagdinig sa kaso sa Santa Barbara ay binigyang linaw ng judge na kapag ipinilit ni Christine ang kagustuhan ay dapat magbayad ito sa actor ng $1-M at ang attorney’s fee para sa prenup fight.

Dahil dito ay pumayag si Christine sa 3-pahinang settlement letter.

Ang dalawa ay ikinasal ng 18 taon kung saan mayroon silang tatlong anak.

Noong Mayo ay naghain ng divorce si Christine at humingi ng joint custody sa tatlo nilang anak.