-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong world record si Peres Jepchirchir ng Kenya matapos ang pagkampeon nito sa London Marathon.
Nakuha ng itinuturing na isa sa pinakamagaling na female distance runners of all time ang women’s-only record na fastest marathon time by a female runner ng walang male pace makers at tinalo si Mary Keitany noong 2017.
Tinapos naman ni Jepchirchir ang London marathon sa loob ng dalawang oras, 16 minuto at 16 segundo.
Pumangalawa naman si Tigst Assefa ng Ethiopia habang si Joycilline Jepkosgei naman ng Kenya ay nasa pangatlong puwesto.
Habang sa men’s elit race naman ay nakuha ni Alexander Mutiso Munyao sa loob ng 2:04:01, pangalawa naman si Kenenisa Bekele at pangatlo si Emile Cairess.