-- Advertisements --
Nakaligtas sa plane crash si Kenyan runner David Rudisha.
Ayon sa kampo nito na lulan ang two-time Olympic 800m gold medalist kasama ang limang iba pa sa maliit na eroplano at patungo sa Masai Olympics sa Kimana, Kenya ng magkaroon ng emergency landing ilang minuto matapos na ito ay lumipad.
Hindi naman nagtamo ng anumang pinasala sa katawan si Rudisha maging ang mga kasama nito.
Nagwagi ng 800m Olympic title si Rudisha noong 2012 London Olympics at matapos ang apat na taon ay naidepensa nito ang kaniyang titulo sa Rio Olympics.