-- Advertisements --

Humakot ng parangal sa BET Awards ang rapper na si Kendrick Lamar.

Nakakuha ito ng lima sa 10 nominasyon niya sa awarding na ginanap sa Los Angeles.

Kabilang sa panalo ng rapper ang Best Album para sa GNX at Best Video para sa “Not Like Us”.

Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan dahil sa nasabing award na kaniyang nakamit.

Ang rapper naman na si Doechii ay tinanghal bilang best female hip-hop artist kung saan binatikos niya si US President Donald Trump dahil sa paggamit ng military forces para pigilan ang protesta.