Nakipagsabayan na rin ang kauna-unahang Pinay Victoria’s Secret model na si Kelsey Merritt sa “summer mood” sa Pilipinas.

Ito’y matapos nitong pasyalan ang El Nido, Palawan para sa island hopping activities.

Kasama ng 22-year-old Fil-Am model ang kasintahang si Conor James Dwyer na isang American competition swimmer at Olympic gold medalist.

Ilan sa mga ibinahagi nitong larawan sa kanilang Palawan getaway ay ang pag-akyat nito sa puno habang naka-swimsuit.

Sa panig ng 30-year-old Olympian, napabilib naman ito sa ganda ng El Nido.

“Philippines 🇵🇭 .. the beaches are stunning, food is incredible 🔥, and the locals are without a doubt the most kind and welcoming people i’ve come across 🌎”