Keanu Reeves and Dolly Parton
Dolly Parton and Keanu/ IG photo

Hinahangaan ngayon si Keanu Reeves dahil sa hindi nito paghawak sa mga babaeng nagpapakuha ng larawan sa kaniya.

Sa pagkalat ng mga larawan sa Twitter ay makikita na hindi sinasamantala ng actor ang paghawak sa anumang parte ng katawan ng babaeng nakakatabi niya sa larawan.

Isang larawan dito ay noong makatabi niya ang American singer na si Dolly Parton.

Dahil dito ay binaha ang Twitter ng paghanga sa pagiging maginoo ng “John Wick” star.
Ikinagulat naman ng actor dahil sa pagiging instant internet boyfriend siya.