-- Advertisements --

Humingi na ng tulong ang Kazakhstan sa mga kaalyadong bansa nila dahil sa patuloy na nagaganap na malawakang kilos protesta.

Nakapasok na kasi ang mga anti-government demonstrators sa main airport sa Almaty City.

Nagsimula ang malawakang kilos protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Umabot na rin sa walong mga security forces ang nasawi mula ng sumiklab ang kaguluhan.

Idineklara na rin ang state of emergency para mahawakan muli ng gobyerno ang control sa bansa.