-- Advertisements --
Katulad ng inaasahan, maraming malalaking atleta ang tumungo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas para manood ng laban nina Pinoy ring icon Manny Pacquiao at undefeated American boxer Kieth Thurman.
Isa na nga rito ay reigning NBA Finals Most Valuable Player Kawhi Leonard, na nanguna para sa Toronto Raptiors na nakasungkit ng kampeonato noong Hunyo.
Pumuwesto si Leoard sa ringside mismo katabi ng pamilya ni Pacquiao.
Nasa Pacquiao-Thurman bout din sina Floyd Mayweather at Miss Universe Catriona Gray, na siyang magdadala ng watawat ng Pilipinas bago ang naturang laban.