-- Advertisements --

Ibinilang ng Los Angeles Clippers sa kanilang biktima ang Orlando Magic nang ilampaso sa iskor na 116-90.

Ito ay sa kabila na limang games din na nawala ang mga NBA superstars na sina Kawhi Leonard at Paul George bunsod ng contact tracing protocols.

Si George ay nagpakawala ng 26 points at nine rebounds habang si Kawhi ay nagbuslo ng 24 puntos para sa kanilang ika-15 panalo.

Ang Magic naman ay nasadlak sa 8-12 record.

Sunod namang haharapin ng Clippers ang New York sa Lunes.

Ang Magic naman ay makikipagtuos sa Toronto.