Naniniwala si Ako Bicol Party List Representative Elizaldy Co na lalong magpapasigla sa agricultural industry ang direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na magsagawa ng geo mapping sa mga agricultural land sa bansa.
Ikinatuwa ni Co ang nasabing kautusan ng chief executive.
Ayon kay Rep. Co, sang-ayon siya sa naging desisyon ng Pangulo dahil matagal na umano niya itong adbokasiya.
Naniniwala si Co na sa pamamagitan nito, mabibigyan ng pagkakataon ang industriya ng agrikultura na higit pang lumago at umunlad.
Dagdag pa ng mambabatas, malaking tulong ang geo mapping upang lalo pang mailabas at mapahusay ang potensyal ng ating agricultural resources.
“Geo-mapping of Agri-lands is a crucial step towards harnessing the full potential of our agricultural resources. By accurately mapping and understanding the specific characteristics of our lands, we can optimize resource allocation, implement targeted interventions, and ensure sustainable agricultural development,” pahayag ni Rep. Co.
Ipinuno ng solon ang kahalagahan ng pag streamline sa proseso ng land titling at resource allocation.
“With accurate and up-to-date information about the parcels of land, we can address the titling problem more efficiently, enabling us to move forward with agricultural development initiatives and secure a brighter future for our farmers,” dagdag pa ni Co.
Siniguro din ng mambabatas na suportado nito ang mga mga magsasaka na layong mapa-angat ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na tulong mula sa pamahalaan.
“Our commitment to the welfare and success of our farmers is unwavering. Through geo-mapping and other strategic interventions, we are determined to create an enabling environment that maximizes agricultural productivity, fosters sustainable growth, and uplifts the lives of our farming communities,” wika ng mambabatas.