Sa kauna-unahang pagkakataon sa larangan ng medisina, matagumpay na naisagawa ang whole-eye transplant sa New York.
Ang sinasabing whole-eye transplant ay naisaoperasyon sa ginawang partial face transplant sa isang military veteran.
Ang eye recipient ay si Aaron James, 46 years old, na sa kalagitnaan ng kanyang trabaho ay aksidenteng nakuryente sa isang high-voltage shock na sumira ng kaliwang bahagi sa kanyang mukha.
Anim na buwan makalipas ang operasyon, ang grafted eye ay nagpakita ng mahahalagang senyales ng kalusugan, kabilang ang maayos na paggana ng mga daluyan ng dugo at isang magandang hitsura ng retina, ayon sa surgical team sa NYU Langone Health na pinangunahan ni Dr. Eduardo Rodriguez.
Ikinatuwa naman ng surgical team ang naging resulta ng naturang operasyon.
Ayon kay Dr. Rodriguez, ang naisagawang whole-eye transplant ay isang malaking hakbang pasulong sa larangan ng medisina – bagay na pinag-isipan sa loob ng maraming taon, ngunit kailanma’y hindi pa naisagawa.