Inaprubahan na ng China ang kuna-unahan nitong COVID-19 vaccine na mula sa state-backed pharmaceutical giant na Sinopharm.
Hindi naman naglabas ang bansa ng karagdagang efficacy data ukol sa bakuna ngunit ayon sa developer nito na Beijing Biological Products Institute, mayroon ng 79.34% efficacy ang naturang bakuna.
Kasunod ito ng pamamahagi ng United Arab Emirates ng kanilang bakuna sa publiko at pag-anunsyo ng Pakista na mayroon itong 1.2 million dose purchase deal sa Sinopharm.
Sa kabila ng pagiging mabagal ng China na aprubahan ang mga COVID-19 vaccines ay namamahagi na ito ng bakuna sa mga mamamayan nito kung saan bawat isa ay makakatanggap ng tatlong shots.
Noong Hulyo naman ay naglunsad ito ng emergency use program na layuning maturukan ng bakuna ang mga essential workers at iba pang high risk sa impeksyon.
As of December 15 ay naipamahagi na ng China ang 4.5 million doses ng tatlong magkakaibang bakuna mula sa CNBG at Sinovac Biotech.