Nagpasya si Sophia Laforteza isa sa miyembro ng global girl group na KATSEYE na magpahinga muna.
Ayon sa kanilang management, nais niton bigyang prioridad ang kaniyang mental health.
Dagdag pa ng kumpanya na patuloy ang suporta na natatanggap niya matapos ang konsultasyon sa mga medical experts.
Kahit na gustong-gusto nitong makasama sa pagtatanghal ng grupo ay minabuti ng kanilang management na huwag muna itong isama sa mga konsiyerto at aktibidad.
Pinasalamatan ng kumpanya ang fans ng grupo na tinawag na EYEKONS dahil sa pag-unawa at suporta sa kanilang grupo.
Sa social media account naman ni Sophia ay labis itong nalulungkot sa pangyayari subalit kailangan niyang magpahinga muna.
Hindi aniya madali ang nasabing desisyon subalit kailangan na unahin ang kalusugan muna.
Si Sophia ang pangalawang miyembro ng grupo na magpapahinga na ang una ay si Manon na kailangan niyang pagtuunan ang personal health at well beign.











