Muling hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo sa Mindanao lalo ang mga nasa Jolo, Sulu para pahupain ang kanilang galit sa nangyaring pagpatay ng siyam na pulis sa apat na sundalo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Duterte na bilang commander-in-chief, tinitiyak nitong lalabas ang katotohanan sa pangyayari at maparurusahan kung sino ang may kasalanan, pulis man o sundalo.
Kasabay nito, nagpaabot din si Pangulong Duterte ng kanyang pakikiramay sa mga naulila ng apat na nasawing mga sundalo, gayundin sa buong tropa ng militar.
Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na minsan sadyang nangyayari ang mga bagay na taliwas sa inaakala o gustong mangyari.
Inihayag ni Pangulong Duterte na alam niyang may bahid ng galit ang mga sa pangyayaring ito pero kung wala man, tiyak niyang may nangyaring hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pamamaril.
Sa ngayon, hayaan daw munang tapusin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon at umaasang ang isolated incident na ito ay hindi na lumikha pa ng init o tensyon sa pagitan ng mga sundalo at pulis.