-- Advertisements --
LONDON – Kinumpirma ni British royal Kate, Duches of Cambridge, na siya ay naturukan na ng first dose ng COVID-19 vaccine at nagbigay pugay din sa lahat na nasa likod ng rollout ng inoculation program.
Ayon kay Kate, 39-anyos, sa Science Museum, na isang prominenteng tourist attraction malapit sa Kensingtong Palace sa West London, isinagawa ang pagbabakuna para sa kanya.
Noong nakaraang linggo lang, sinabi naman ng asawa niyang si William na siya ay naturukan na rin ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Ang lola naman nito, na si Queen Elizabeth, ay una nang nakatanggap ng first dose ng bakuna noon pang Enero.
Sa ngayon, 38.8 million katao ang nabakunahan ng first dose sa Britain.










