-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ipinabasura ng Regional Prosecutor’s office ang kasong isinampa laban sa tatlong pulis opisyal ng PNP (Philippine National Police) matapos umanong kinulang sa ebidensya kaugnay sa syndicated estafa.

Marso 2019 nang idinawit sina P/Col. Raul Supiter, Col. Manuel Lucban, at Lt. Col Henry Biñas, sa Plan Pro Matrix (PPM) investment scam na nagsimula sa loob ng Camp Fermin.

Nakaabot pa ang impormasyon kay Interior Sec. Eduardo Año kaya pinatalsik ang tatlo at pinatawag sa Camp Crame upang maimbestigahan.

Unang kinasuhan ng limang syndicated estafa case ang founder at may-ari ng PPM Co na si Mark George Naval, at mga staff na itinurong utak sa pyramiding scam na nagresulta naman sa paglabas ng warrant of arrest.

Kasama sa warrant of arrest si P/Major Michael Elopre at Cpl. Jeanette Dosdos subalit pinawalang sala si Dosdos matapos naging witness sa nasabing kaso.

Una nang pinaimbestigahan ni PNP Chief Camilo Cascolan ang reklamo nang mawala si PO1 Kristin Joy Roxas na sinasabing “bagman” sa PPM scam.