-- Advertisements --
image 51

Tuluyan nang kinasuhan ng Philippine Coast Guard ang may-ari at kapitan ng tumaob na motorbanca na Aya Express sa Binangonan, Rizal.

Sa isang statement ay sinabi ng PCG na bandang alas-1:30pm noong Agosto 2, 2023 ay naghain na ito ng reklamong syndicated estafa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Taytay, Rizal.

Ang naturang reklamo ay hindi lamang laban sa dalawa kundi pati na rin sa mga miyembro ng Talim Island Motorboat and Patrons Association nang dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa fraud at misrepresentation.

Kung maaalala, ang lahat ng ito ay mayroong kaugnayan sa pagtaob ng motorbanca na Princess Aya Express sa katubigang malapit sa Barangay Kalinawan sa Binangonan, Rizal noong Hulyo 27, 2023 na kumitil sa buhay ng nasa 27 indibidwal na kabilang sa 70 pasaherong lulan nito.