CENTRAL MINDANAO – Ibinasura na ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15 sa Cotabato City ang kasong double murder na isinampa laban kay Ebrahim Mangudadatu alyas Jong at Freddie Mangudadatu alyas Ogie.
Matatandaang mariing nanindigan ang pamilya Mangudadatu na isa umanong uri ng political harassment ang nasabing kaso dahil 21 taon na ang nakalipas nang mangyari ang insidente at ngayon lamang pumutok uli ang issue na ito sa panahon na ng halalan.
Kasalukuyang kumakandidato si Jesieden Martinez sa munisipalidad ng Buluan, Maguindanao sa ilalim ng Kapamilya Alliance na kilala bilang kontra-partido ngayon ng United Bangsamoro Alliance Justice Party o UBJP.
Si Martinez ay ang anak ng taong napatay umano sa Buluan na 21 taon na ang nakakaraan sa nasabing kaso.
Ayon sa Facebook post ni Rep. Esmael Toto Mangudadatu, mananaig umano ang katotohanan.










