-- Advertisements --

Inihahanda na raw para sa evaluation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso laban kay OWWA administrator Mocha Uson kasunod ng pagtatapos sa imbestigasyon dito.

Ayon kay NBI director for Anti-Cybercrime Victor Lorenzo, nasa kamay na ng kanilang Legal Division ang desisyon kung iaakyat sa Department of Justice ang reklamo.

“For evaluation lahat ng reports ng NBI,” ani Lorenzo.

Kung maaalala, inulan ng batikos si Uson nang mag-post ng larawan ng personal protective equipment na binili umano ng pamahalaan noong Abril.

Pero lumalabas sa reklamo ng ilang netizens na ang larawang ginamit ng OWWA official ay galing sa isang pribadong foundation.

Sa pagharap ni Uson sa ipinatawag na imbestigasyon kamakailan ng NBI, sinabi nito sa media na isang “honest misktake” ang pagkakagamit niya sa nasabing larawan.