Dumistansya ang Malacañang sa isinampang kaso ng PNP-CIDG (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga “ninja cops” na nagsagawa ng drug raid sa Pampanga noong 2013 kung saan kasama sa kinasuhan si dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, makabubuting hayaang umusad ang proseso ng batas.
Samantala, naniniwala ang Malacañang na magandang hakbang ang ginawang major revamp sa PNP.
Ayon kay Sec. Panelo, napag-usapan ang major revamp sa ginanap na joint Armed Forces of the Philippines-PNP command conference kamakailan sa Malacañang at sinang-ayunan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman aniya nasabi ng pangulo kung bakit siya pabor sa major revamp, pero isa itong magandang paraan para hindi magkaugat o magkaroon ng “familiarization” ang mga opisyal sa mga puwestong matagal na nilang hinahawakan.