BOMBO DAGUPAN – Masusing binabantayan ngayon provincial Health office o PHO ang kaso ng tigdas dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Provincial Health officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman, nakapag tala na ang lalawigan ng 2 kaso sa probinsya kung saan ay kinabibilangan ng isang 11 month old na bata mula sa lungsod ng Dagupan at 28 anyos mula sa bayan ng Asingan.
Tiniyak naman nitoina agad silang nagbabakuna sa mga bayan o mga barangay na may mga confirmed cases.
Samantala, iniulat din ni De Guzman na bBumaba ng 46 percent ang kaso ng dengue dito sa lalawigan ng Pangasinan,.
Aniya, sa kanilang datos mula buwan ng Enero hanggang Oktubre ngayon taon, nakapag tala ang lalawigan ng 2,370 na kaso. Sa nasabing bilang ay pitu ang nasawi.
Sinabi ni de Guzman, na kumpara noong nakaraang taon sa parehong period ay nakapag tala ng 4,448 na kaso sa lalawigan kung saan lima naman dito ay nasawi.