-- Advertisements --

Bumaba ng 21% ang naiulat na kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na ang nasabing pagbaba ng kaso ay senyales na rin ng pagbaba ng outbreak.

Itinuturing ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang mabisang pagpapatupad ng health protocols ay siyang nagiging susi sa pagpapapababa ng kaso.

Ilan sa may nakitaan ng pagtaas ng kaso ay ang US.

Magugunitang noong Hulyo ay idineklara ng WHO bilang global health emergency ang monkeypox na mayroong mahigit 41,000 na kaso at 12 na nasawi sa 96 bansa na ang karamihan ay sa US.