-- Advertisements --
WHO

Iniulat ng World Health Organization (WHO) na patuloy na bumababa ang bilang ng mga naiulat na kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Mula noong huling epidemiological report na inilabas ng world body noong Setyembre 7, nasa 8,757 ang bagong kaso at limang pagkamatay ang naitala.

Ang pagbaba ng mga kaso sa Europa at Amerika ay sinasabing nagpapababa ng global trends.

Sa buong mundo, may kabuuang 61,753 kaso ng monkeypox ang naitala mula sa lahat ng rehiyon ng WHO, at 23 ang namatay.

Sa Pilipinas, ang ikaapat na kaso ng monkeypox ay nakalabas na sa ospital at kasalukuyang sumasailalim sa home isolation.

Sinabi ng Department of Health na sa 20 close contacts na natukoy, 18 ang natapos na sa quarantine, isa ang self-monitoring habang ang isa ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Lahat sila ay nananatiling asymptomatic.