DAVAO CITY – Patuloy ngayon na nadagdagan ang bilang ng mga nahawa ng Delta variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Davao Region.
Sa ngayon nasa 123 na ang naitala.
Nabatid na una ng sinabi ni Dr. Rachel Joy Pasion, Head sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health (DoH) na base sa huling datus ng ahensiya, pinakamaraming naitala nito ang sa Davao del Norte na nasa 45 cases, Davao City na may 32 na mga kaso habang nasa ikatlo ang Davao Oriental na may 26 na kaso.
Sa nasabing bilang, karamihan nito ang mga local cases na nasa 114, nasa tatlo ang patuloy na isinailalim sa verification habang anim ang Returning Overseas Filipino (ROF).
Nasa lima rin ang naitalang namatay kung saan tatlo nito ang sa Davao City at tig-isa ang mula sa Davao del Norte at Davao de Oro.
Sa kasalukuyan okupado pa rin ang DoH sa kanilang ginagawang mga hakbang para lamang mapigilan ang pagtaas ng Delta Variant cases at uba pang kaso ng COVID-19.
Muling nilinaw nga ahensiya na tanging paraan lamang para maiwasan ang hawaan ay ang pagsunod sa minimum health protocols.