-- Advertisements --
image 463

Kontrolado ang mga kaso ng COVID-19 sa mga inilikas na residente dahil sa mga aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay Cedric Daet, ang chief ng provincial disaster office na isolated cases lamang ang mga dinadapuan ng nasabing sakit sa lalawigan.

Aniya, hindi maiiwasan ito kahit pa nasa labas ng mga evacuation center subalit kontrolado pa naman sa ngayon ang bilang ng mga nagkakasakit ng covid-19.

Una ng iniulat ng Albay Public Safety and Management Office na nasa kabuuang tatlong evacuee ang dinapuan ng naturang virus.

Sa kabila nito, patuloy naman ang isinasagawang disease surveillance sa mga residenteng inilikas sa lokal na pamahalaan.

Sa datos noong Lunes, nasa kabuuang 5,700 pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation center sa gitna ng banta dulot ng pag-alburuto ng bulkang Mayon.