NAGA CITY- Patuloy parin sa paglobo ang bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Bicol Region.

Sa data ng Department of Health (DOH)-Bicol, nabati na tatlong panibagong kaso ang nadagdag kung kaya mayroon na ngayong kabuuang 80 kaso sa rehiyon.

Nabatid na isang 30-anyos na babae mula sa Oas, Albay ang Bicol # 78, isang nurse na nakaassign sa isang quarantine facility at asymptomatic.

Si Bicol#79 naman ang isang 26-anyos na babae mula sa Guinobatan, Albay, nanggaling sa Laguna, asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine sa LGU quarantine facility.

Samantala, isang 46-anyos na lalaki naman mula sa kaparehong bayan ang 80th confirmed case ng COVID-19.

Asymptomatic ang pasyente at naka-quarantine sa LGU quarantine facility habang patuloy pang inaalam ang travel history.

Kaugnay nito muling nagpaalala ang DOH sa publiko na sundin ang community quarantine procedures at precautionary measures kasama na ang proper hand washing, social distancing, cough etiquette, disinfection, pagamit ng facemask at manatili na muna sa mga bahay.