NAGA CITY- Patuloy ngayon sa paglobo ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa Bicol Region.

Sa data ng Department of Health (DOH-Bicol), anim na panibagong nagpositibo sa nasabing sakit ang naitala kagabi habang 46 naman ang active cases.

Kasama sa mga bagong nagpositibo ang isang 32-anyos na lalaki mula sa Legazpi City, tatlo sa Naga City habang dalawa naman sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur.

Kaugnay nito, bumuo na rin ng rekomendasyon ang IATF-Bicol na suspendihin na muna ang pagpapauwi ng mga LSIs sa naturang rehiyon.