Tumaas pa ang kaso ng Cholera sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).
Sa datos as of September 17, nasa 3, 681 ang naitalang kaso na mahigit pa sa doble ang itinaas mula sa kaparehong period noong nakalipas na taon.
Umaabot naman na sa 32 pasyente ang nasawi kung saan may isang panibagong naiatalang namatay dahil sa sakit.
Ayon sa DOH mula noong Aug. 21 hnaggang Sept. 17, pinakamarami sa naitalang kaso ng Cholera ay karamihan sa Eastern Visayas (276), sumunod ang Central Luzon (20) at Western Visayas (15).
Lumagpas naman sa epidemic threshold ang mga kaso sa rehiyon ng Central Luzon, Western and Eastern Visayas, at Zamboanga Peninsula na nagnaghulugan na ang mga kaso ngayong taon ay mas marami kumpara sa kaparehong period noong nakalipas na taon.
Ang Cholera ay isang nakukuha mula sa pag-inom ng kontaminadong tubig o pagkain na may cholera bacteria. Ito ay nagdudulot ng acute watery diarrhea na may kasamang severe dehydration at maaari itong humantong sa kamatayan kapag hindi nagamot.
Base sa World Health Organization, ang mga indibidwal ay makakaranas ng cholera symptoms mula 12 oras hanggang liamng araw matapos na makainom o makakain ng kontaminado na maaaring tumama sa mga bata at adults.