Nanawagan si Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortum kay Justice Sec. Menardo Guevara na ipahawak sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso nang pamamaslang ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac kahapon.
Sa isang statement, sinabi ni Fortun na dapat ipa-ubaya ng Philippine National Police (PNP) ang custodiya at jurisdiction sa suspek na si Cpl. Jonel Nuezca.
“Given the intensity of the public outrage over the brutal double murder, it owuld not be wise for the PNP, Napolcom or DILG to retain custody and jurisdiction over Cpl. Jonel Nuezca because of the level of distrust in the PNP now is too high,” dagdag pa nito.
“All police criminality and brutality should be investigated not by the PNP but by the NBI,” giit ni Fortun.
Mahalaga rin aniyang maihabla na sa korte sa lalong madaling panahon si Nuezca upang sa lalong madaling panahon ay maibaba na rin ang karampatang parusa sa pagpaslang nito sa mag-ina na sina Sonya Gregorio, 52-anyos; at Frank Anthony Gregorio, 25-anyos.
Binigyan diin din ng kongresista na hindi basta isolated incident kundi isa lamang sa maraming kaso ng police brutality.
Kaya dapat na tumulong na rin aniya ang Kongreso para masawata ang “police criminality” at “brutality” sa bansa sa pamamagitan nang paglipat ng PNP Internal Affairs sa ilalim ng Department of Justice.