Kasabay ng Pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s day isang kasalang bayan ang isinagawa dsa Elorde sports complex sa lungsod ng Parañaque.
Kabuuang 50 na magkasintahan ang sabay sabay na ikakasal at manunumpa bilang Isang tunay na mag asawa ngayong ash Wednesday at Valentine’s day.
Sinabi ni Representative Erwin Tulfo na napaka-importante ang pagmamahalan at respeto sa isa’t isa para sa maayos na pagsasama ng mag-asawa.
Aniya para sa mga ama ng tahanan na bigyang-importansiya ang kani-kanilang misis dahil sila ang mangangalaga ng pamilya at nakatuon sa pagbabudget.
Ang mga ikinakasal ay may mga supling na kasi dati na silang nagsasama at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magpakasal ng libre sa ilalim ng kasalang bayan program ni Congressman Gus Tambunting.
Naging panauhing pangdangal naman at Ninong ng bayan si Congressman Erwin Tulfo sa ginanap na kasalang bayan at Tambunting para sa nasabing kasalan.