BACOLOD CITY – Natuloy ang kasal ng hindi na pinangalanang magkasintahan kahapon sa Tagaytay kasabay ng Taal volcano explosion na kitang kita mismo sa lugar kung saan ginanap ang kasalan.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Aldrik Gohel, ang photo at video grapher sa nasabing kasal at kumuha ng viral video, kitang-kita ang pagkidlat ng nag-aalburutong bulkan.

Tinapos daw talaga nila ang kasal kahit pa karamihan ng tao ay nagsialisan na at nagmadaling bumalik ng Maynila.

“Nakakatakot. May mga pagyanig, umuulan ng buhangin, putik mga bato. Mabaho din at medyo na imune na nga kami. The show go on, tinapos talaga namin ang kasal,” wika ni Gohel.

Dagdag pa ni Gohel na katulad nila ay may mga residente pang nananatili at hindi maka alis sa kani-kanilang bahay dahil walang masasakyan lalu na sa Brgy. Sungay West kung saan sila nakatira.

-- Advertisement --